Mga baybaying positibo sa red tide, nadagdagan — BFAR

Lumawak pa ang mga sakop na karagatang kontaminado ng red tide toxin. Batay sa ulat ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), apektado na rin ng paralytic shellfish poison ang karagatan ng Tungawan sa Zamboanga Sibugay. Bukod dito, nananatiling apektado ng red tide ang Dumanquillas Bay sa Zamboanga del Sur; coastal waters ng San… Continue reading Mga baybaying positibo sa red tide, nadagdagan — BFAR

DepEd Sec. Angara, nakatakdang humarap sa Commission on Appointments, sa Aug. 7

Kumpiyansa si Surigao del Sur Representative Johnny Pimentel na magiging “smooth sailing” ang kumpirmasyon ni Department of Education (DepEd) Secretary Sonny Angara sa pagharap nito sa Commission on Appointments (CA) sa Miyerkules, August 7. “We expect Secretary Angara’s trouble-free confirmation,” ani Pimentel, CA Assistant Minority Leader. Aniya, batid naman na kwalipikado si Angara sa posisyon… Continue reading DepEd Sec. Angara, nakatakdang humarap sa Commission on Appointments, sa Aug. 7

DICT pinaigting ang mga hakbang upang pabilisin ang pagpapatupad ng lease-free broadband connectivity

Pinangungunahan ng Department of Information and Communications Technology (DICT) ang pagpapatupad sa kautusan ng Pangulo na magtulungan ang gobyerno at  pribadong sektor sa pagpapalawak ng  broadband  connectivity sa bansa.   “Internet links which require no lease obligation, like setup fees and rental payment, will be a key factor in all efforts to expand connectivity even… Continue reading DICT pinaigting ang mga hakbang upang pabilisin ang pagpapatupad ng lease-free broadband connectivity

Eskwelusugan Caravan, muling aarangkada sa Valenzuela

Ngayong balik-eskwela na ang mga estudyante sa lungsod ng Valenzuela, muling ibinalik ng pamahalaang lungsod ang schools medical at dental vans nito o ang Eskwelasugan Caravan. Ang health vans na ito ay mag-iikot sa lahat ng eskwelahan sa lungsod para suriin kung nasa maayos na kondisyon ang medical at dental health ng bawat estudyante sa… Continue reading Eskwelusugan Caravan, muling aarangkada sa Valenzuela

Malakas na buhos ng ulan, nagpabagal sa usad ng trapiko sa ilang kalsada sa QC

Nagdulot ng pagbigat sa daloy ng trapiko sa ilang kalsada sa Quezon City ang malakas na buhos ng ulan ngayong umaga. Kabilang dito ang kahabaan ng Quezon Avenue papasok ng Welcome Rotonda kung saan pinapadaan na muna sa mga alternatibong ruta ang mga motorista para makaiwas sa trapiko. Sarado rin ang papasok ng España dahil… Continue reading Malakas na buhos ng ulan, nagpabagal sa usad ng trapiko sa ilang kalsada sa QC

Suporta ng Kongreso sa RCEF Extension, ikinalugod ni DA Sec. Tiu-Laurel

Nagpasalamat si Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel, Jr. sa Congressional Oversight Committee on Agriculture and Fisheries Modernization (COCAFM) sa pagsuporta nito sa panukalang extension ng Rice Tarrification Law (RTL), partikular ang amendment na triplehin ang pondong ilalaan para sa mga magsasaka. Ayon sa kalihim, mahalaga ang pagrepaso sa RTL para makamit ang hangarin ng adminstrasyong… Continue reading Suporta ng Kongreso sa RCEF Extension, ikinalugod ni DA Sec. Tiu-Laurel

Pondo para sa pagpapatayo at pagsasa-ayos ng mga barracks ng mga sundalo, tiniyak ng House Speaker

Siniguro ni House Speaker Martin Romualdez na paglalaanan ng pondo ang pagpapatayo at pagsasa-ayos ng mga barracks ng mga sundalo. Ginawa ng House leader ang pahayag kasunod ng kaniyang pagharap sa mga sundalo ng 11th Infantry Division ng Philippine Army sa Camp Teodulfo Bautista in Busbus Village, Jolo, Sulu noong Huwebes. Sinabi ni Romualdez, titiyakin… Continue reading Pondo para sa pagpapatayo at pagsasa-ayos ng mga barracks ng mga sundalo, tiniyak ng House Speaker

Mga estudyante ng Masambong HS, balik eskwela na ngayong araw

Natuloy na ngayong Lunes, August 5, ang pasok sa ilang mga pampublikong paaralan sa Quezon City na naurong ang balik-eskwela dahil sa epekto ng bagyong Carina at habagat. Kabilang dito ang Masambong High School na may higit 1,000 enrollees ngayong pasukan. Hindi natuloy ang maagang flag raising ceremony sa naturang eskwelahan dahil sa maulang panahon… Continue reading Mga estudyante ng Masambong HS, balik eskwela na ngayong araw

Presyo ng ilang pangunahing bilihin sa Marikina Public Market, bahagyang bumaba

Bahagyang bumaba ang presyuhan ng pangunahing bilihin sa Marikina Public Market partikular na sa presyo ng isda. Batay sa monitoring ng Radyo Pilipinas, ang galunggong ay nasa ₱190 ang kada kilo; bangus ay nasa ₱190 kada kilo habang ang tilapia ay nasa ₱110 ang kada kilo. Nasa ₱220 naman ang presyo ng kada kilo ng… Continue reading Presyo ng ilang pangunahing bilihin sa Marikina Public Market, bahagyang bumaba

Klase sa Malabon at Navotas, suspendido ngayong araw dahil sa masamang panahon

Dahil sa walang patid na pag-ulan, sinuspinde na ng pamahalaang lungsod ng Malabon at Navotas ang pasok sa lahat ng antas ng mga pampubliko at pribadong paaralan sa lungsod. Ayon kay Navotas Mayor John Rey Tiangco, alinsunod ito sa rekomendasyon ng Disaster Risk Reduction and Management Office. Ikinababahala rin ng dalawang LGU ang 1.9 metrong… Continue reading Klase sa Malabon at Navotas, suspendido ngayong araw dahil sa masamang panahon