Panukala na magbibigay juridical status sa Loss and Damage Fund Board, pinagtibay ng komite sa Kamara

Matapos hingin sa Kongreso ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa kaniyang State of the Nation Address (SONA), agad pinagtibay ng House Committee on Ways and Means ang Loss and Damage Fund Board Law. Sa pamamagitan ng panukala ay mabibigyan ng juridical status at privileges ang Loss and Damage Fund Board. Matatandaan na nakuha ng… Continue reading Panukala na magbibigay juridical status sa Loss and Damage Fund Board, pinagtibay ng komite sa Kamara

PNP-AKG, ipinagluluksa ang pagkasawi ng tauhan nito matapos mauwi sa engkuwentro ang ikinasang operasyon sa Pampanga

Nagpaabot ng pakikiramay ang liderato ng Philippine National Police – Anti Kidnapping Group (PNP-AKG) sa pamilya ni PSSgt. Nelson Santiago. Nasawi si Santiago matapos mapuruhan sa ikinasa nilang rescue operations sa Angeles City nitong weekend na nauwi naman sa engkuwentro. Ayon kay PNP-AKG Director, Police Brig. Gen. Cosme Abrenica, kanilang ipinagluluksa ang pagkawala ng isang… Continue reading PNP-AKG, ipinagluluksa ang pagkasawi ng tauhan nito matapos mauwi sa engkuwentro ang ikinasang operasyon sa Pampanga

9th Infantry Division, may bagong commander

Pormal na iniluklok sa pwesto ni Philippine Army Chief Lieutenant General Roy Galido bilang bagong Commander ng 9th Infantry “Spear” Division si Major General Noe Alberto Peñafiel, sa Change of Command Ceremony kahapon sa Camp Elias Angeles, San Jose, Pili, Camarines Sur. Pinalitan ni Maj. Gen. Peñafiel si Maj. Gen. Adonis Bajao na nagretiro sa… Continue reading 9th Infantry Division, may bagong commander

House leaders, naniniwala na ginagamit ng drug syndicates ang POGO para hugasan ang kanilang mga pera

Hindi isinasantabi ng dalawang commite chairperson ng Kamara ang direktang ugnayan ng iligal na droga at POGO. Ayon kay House Committee on Dangerous Drugs Chair Ace Barbers ang mga drug lord at sindikato ay idinadaan sa mga POGO ang kanilang mga pera para hugasan o yung money laundering. Patunay aniya dito ang nakitang koneksyon ng… Continue reading House leaders, naniniwala na ginagamit ng drug syndicates ang POGO para hugasan ang kanilang mga pera

Inflation noong Hulyo, bahagyang bumilis — PSA

Bumilis ang inflation o galawan ng presyo ng mga bilihin at serbisyo sa bansa nitong Hulyo. Ayon kay Philippine Statistics Authority (PSA) Chief at National Statistician Claire Dennis Mapa, naitala sa antas na 4.4% ang July headline inflation mula sa 3.7% inflation rate sa bansa noong Hunyo. Dahil dito, ang average inflation mula Enero hanggang… Continue reading Inflation noong Hulyo, bahagyang bumilis — PSA

Mga bagong opisyal ng DepEd, nanumpa na sa puwesto

Pormal nang nanumpa sa puwesto ang apat na bagong talagang opisyal ng Department of Education (DepEd). Pinangunahan ni Education Secretary Juan Edgardo “Sonny” Angara ang oath taking ceremony sa tanggapan nito sa Pasig City kahapon. Kabilang sa mga nanumpa sina Undersecretary Peter Irving Corvera, Undersecretary Trygve Olaivar, Undersecretary Mel John Verzosa, at Asistant Secretary Malcolm… Continue reading Mga bagong opisyal ng DepEd, nanumpa na sa puwesto

Rewards na makukuha ni Carlos Yulo, iba pang mananalong national athlete, ipinapanukala na ‘wag nang buwisan

Agad lumusot sa Ways and Means Committee ng Kamara ang House Bill 421 na inihain ni Albay Representative Joey Salceda. Ang naturang panukala ay hango sa kaparehong panukala na inihain noong 18th Congress na tinawag na Hidilyn Diaz Law. Aamyendahan ng panukala ang Section 4 ng RA 10699 upang i-exempt mula sa taxes, fees, at… Continue reading Rewards na makukuha ni Carlos Yulo, iba pang mananalong national athlete, ipinapanukala na ‘wag nang buwisan

Rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo, itinuturing na biyaya ng jeepney drivers sa Pasig

Malaking tulong para sa mga jeepney driver sa Pasig City ang ipinatupad na tapyas-presyo sa mga produktong petrolyo ng mga kumpaniya ng langis epektibo ngayong araw. Sa pag-iikot ng Radyo Pilipinas sa bahagi ng Amang Rodriguez Avenue, sinabi ng mga jeepney driver na biyaya ito lalo’t nagsimula na ang klase ng kanilang mga anak. Dahil… Continue reading Rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo, itinuturing na biyaya ng jeepney drivers sa Pasig

Pagbubukas ng DSWD relief packs ng mga di naman benepisyaryo nito, mahigpit na ipinagbabawal — DSWD

Nagpaalala ngayon ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) na mahigpit na ipinagbabawal ang pagbubukas ng mga ipinamamahagi nitong relief packs ng mga hindi naman benepisyaryo nito. Sa isang pahayag, sinabi ng DSWD na labag sa ilalim ng Republic Act No. 10121 o ang Philippine Disaster Risk Reduction and Management (DRRM) Act of 2010,… Continue reading Pagbubukas ng DSWD relief packs ng mga di naman benepisyaryo nito, mahigpit na ipinagbabawal — DSWD

Metro Manila, karatig lalawigan, uulanin — PAGASA

Asahan ang makulimlim at maulang panahon sa Metro Manila at ilang karatig nitong lalawigan. Sa Thunderstorm Advisory ng PAGASA, inilabas kaninang 8:29 AM, maaaring maranasan ang katamtaman hanggang sa may kalakasang ulan na may pagkidlat at malakas na hangin sa Metro Manila, Nueva Ecija, Bulacan, Pampanga, Tarlac, Batangas, Quezon, Laguna, Rizal, at Cavite. Ayon sa… Continue reading Metro Manila, karatig lalawigan, uulanin — PAGASA