100 Pinoy caregivers, nakatakdang magtrabaho sa Korea sa ilalim ng Employment Permit System Pilot Project

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nakatakda nang magtungo sa Korea ang nasa 100 Pilipino caregivers na magsisilbing unang batch ng inilunsad na Employment Permit System Pilot Project.

Pinangunahan nila Department of Migrant Workers (DMW) Secretary Hans Leo Cacdac at Korean Ambassador to the Philippines, Lee Sang-Hwa ang send-off ceremony sa mga Pinoy caregivers kahapon.

Ayon sa DMW, ang mga naturang Pinoy ay direktang na-hire ng mga lisensyadong ahensya na accredited naman sa Korean Ministry of Employment and Labor.

Dahil dito, binibigyang garantiya ang mga Pilipino na makatanggap ng pantay na pagtrato at benepisyo na siya namang ibinibigay sa mga manggagawang Koreano. | ulat ni Jaymark Dagala

📸: DMW

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us