10,000 doses ng bakuna vs. ASF, darating na sa bansa sa Aug. 16 — DA

Facebook
Twitter
LinkedIn

Kinumpirma ng Department of Agriculture (DA) na darating na sa bansa sa Biyernes, August 16 ang 10,000 doses ng bakuna kontra African Swine Fever (ASF) na binili ng pamahalaan para tugunan ang outbreak ng ASF sa Batangas.

Ito ay sa ilalim ng emergency procurement lalo pa’t nasa State of Calamity na ngayon ang buong lalawigan ng Batangas dahil sa ASF.

Ayon kay DA Spokesperson Assistant Secretary Arnel de Mesa, agad ding sisimulan sa susunod na linggo ang controlled vaccination sa Batangas.

Kaugnay nito, nakatakdang magpulong din ngayong Biyernes ang Bureau of Animal Industry (BAI) at industry stakeholders sa Batangas para matukoy ang mga volunteer participants sa ikakasang bakunahan.

Bumuo na rin ng isang independent technical advisory group na tututok sa pag-assess sa gagawing government-controlled vaccinations sa bansa.  | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us