Presyo ng manok sa Agora Public Market sa San Juan City, bahagyang bumaba

Bahagyang bumaba ang presyuhan ng manok sa Agora Public Market sa San Juan City ngayong araw. Sa pagtatanong ng Radyo Pilipinas, may nagbebenta na ng ₱210 hanggang ₱215 ang kada kilo mula sa dating ₱220 ang kada kilo. Pero ayon sa mga nagtitinda, hindi nagtatagal ang mababang presyo dahil tiyak kinabukasan ay babalik din ito… Continue reading Presyo ng manok sa Agora Public Market sa San Juan City, bahagyang bumaba

CSC, nagtala ng 91.82% turnout sa August Career Service Exam

Kinumpirma ng Civil Service Commission (CSC) ang mataas na turnout ng examinees sa katatapos na Career Service Examination-Pen and Paper Test (CSE-PPT) nitong linggo, August 11. Ayon kay CSC Commissioner Aileen Lizada, nasa 329,313 indibidwal ang kumuha ng Career Service Examination – Pen and Paper Test (CSE-PPT) Professional and Subprofessional levels sa 95 testing centers… Continue reading CSC, nagtala ng 91.82% turnout sa August Career Service Exam

Unang pulong ng binuong QuadComm ng Kamara, gagawin sa Pampanga

Dadalhin ng binuong QuadComm ng Kamara ang pagsisiyasat nito sa Pampanga. Ayon kay Dangerous Drugs Committee Chair Robert Ace Barbers, ngayong araw isasagawa ang organizational meeting ng QuadComm para ilatag ang committee rules. August 15 naman o sa Huwebes posibleng ikasa ang unang hearing ng joint committee at gagawin aniya ito sa Pampanga. Paliwanag niya,… Continue reading Unang pulong ng binuong QuadComm ng Kamara, gagawin sa Pampanga

Regular na patrolya ng AFP sa Bajo de Masinloc, magpapatuloy sa kabila ng mapanganib na aksyon ng China

Nanindigan ang Armed Forces of the Philippines (AFP) na magpapatuloy ang regular nilang pagpapatrolya sa Bajo de Masinloc. Ito’y sa kabila ng ginawa ng China noong August 8 na pagpapakawala ng flares sa dinadaanan ng eroplano ng Philippine Air Force (PAF) na nagsasagawa ng security operations sa loob ng Philippine maritime zones. Ayon kay AFP… Continue reading Regular na patrolya ng AFP sa Bajo de Masinloc, magpapatuloy sa kabila ng mapanganib na aksyon ng China

Suspek sa pagpatay kay Percy Lapid, nagpakamatay

Nagpakamatay ang isa sa mga suspek sa pamamaslang sa brodkaster na si Percy Lapid, habang nagtatangka ang mga pulis na isilbi ang arrest warrant sa kanya sa Purok 4, Barangay Lumbang, Lipa City Batangas kahapon. Sa panayam kay National Capital Regional Police Office (NCRPO) Chief Police Maj. Gen. Jose Melencio Nartatez Jr., kinilala ng opisyal… Continue reading Suspek sa pagpatay kay Percy Lapid, nagpakamatay