Nakauwi na sa Pilipinas ang 16 na mga Pilipino na inilikas mula sa Lebanon.
Ayon sa Department of Migrant Workers (DMW), dumating sa NAIA Terminal 3 ang 16 na mga overaeas Filipino worker sakay ng Emirates flight EK 332 kaninang hapon.
Sila ay mga boluntaryong nag-avail ng repatriation program ng pamahalaan dahil sa lumalalang tensyon sa Lebanon.
Nakatanggap ang 16 na mga OFW ng tulong pinansyal na tig-P75,000 bawat isa mula sa DMW at OWWA. At karagdagang P20,000 mula naman sa DSWD.
Sa ngayon, umabot na sa 305 na mga OFW ang nakauwi sa bansa mula sa Lebanon na nagsimula noong October 2023 nang sumiklab ang gulo sa pagitan ng Israel at grupong Hamas.| ulat ni Diane Lear