Ligtas na nakauwi ng bansa ang 16 na Overseas Filipino Workers lulan ng Emirates Airlines flight EK-332 na lumapag sa NAIA Terminal 3 mula Lebanon.
Ang naturang OFWs ay boluntaryong nag-avail ng repatriation program ng gobyerno.
Sila ay natatanggap ng tulong financial na P75,000 mula sa DMW action fund at iba pang suporta mula sa gobyerno.
Bukod dito, tatanggap din sila ng karagdagang P75,000 mula sa OWWA at P20,000 naman mula sa DSWD.
Umabot na sa kabuuang 305 OFW ang na-repatriate ng pamahalaan mula sa Lebanon mula noong 2023 dahil sa lumalalang hidwaan sa pagitan ng Israel at Hamas. | ulat ni Lorenz Tanjoco
📷: DMW