160 hog raisers at commercial farms, interesadong lumahok sa bakunahan vs. ASF — DA

Facebook
Twitter
LinkedIn

Aabot na sa 160 na mga hog raiser at commercial farm ang nagpahayag ng interes na lumahok sa ikakasang controlled African Swine Fever (ASF) vaccination ng Department of Agriculture (DA).

Kahapon, sinimulan na ng DA ang orientation sa mga hog raiser sa Lobo, Batangas para sa gagawing bakunahan na layong pigilan ang pagkalat ng ASF.

Ayon kay DA Spokesperson Assistant Secretary Arnel de Mesa, kasama sa pinaghahandaan din ng BAI ngayon ang mga laboratoryo na tatanggap ng blood sample mula sa mga baboy na babakunahan.

Kinakailangang walang sakit ang hayop na bibigyan ng bakuna.

Nagtutulungan naman na aniya ang BAI at LGU para sa pinakamabilis na paraan para masimulan na ang bakunahan.

Tatlong barangay ang target bakunahan sa Lobo, at isusunod ang mga baboy sa Lipa at Taysan. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us