Aabot sa 168 na mga militanteng estudyante ang na-recruit ng mga komunistang teroristang grupo sa loob ng 11 taon.
Ito ay batay sa datos ng pambansang pulisya mula taong 2014 hanggang 2024 na iprinisenta nila sa pagdinig ng Senate committee on public order and dangerous drugs ngayong araw.
Ayon kay PNP Directorate for Operations PCOL. Randy Arceo, pinakamataas ang mga nar-recruit sa mga kolehiyo at mga unibersidad sa bilang na 123 na mga estudyante, umabot naman sa 34 ang narekrut mula sa mga high school at 11 naman ang narekrut sa elementarya.
Sa kabilang banda, kinumpirma ng PNP na sa bilang na ito ay 36 na militanteng estudyante na ang nasawi mula sa operasyon ng mga awtoridad, 41 ang naaresto habang 92 ang sumuko na.
Nakatukoy rin ang mga awtoridad ng 102 na mga eskwelahan na may nrecruitment ng mga communist terrorist groups.
Kabilang sa mga may pinakamaraming naitatalang narerekrut ang Putian National High School sa Capiz, UP Diliman, PUP Manila, UP Manila at UP Tacloban. | ulat ni Nimfa Asuncion