May kabuuang 17 piling bata mula sa Special Home Finding mula sa iba’t ibang child caring agencies sa 11 rehiyon sa bansa ang sumali sa Summer Hosting Program ngayong taon.
Ayon kay National Authority for Child Care Undersecretary Janella Ejercito Estrada, ang aktibidad ay gagawin sa iba’t ibang estado ng United States of America.
Ang taunang Summer Hosting Program, na inorganisa ng NACC sa pakikipagtulungan ng dalawang US-accredited Foreign Adoption Agencies ay pinasimulan na kahapon, Agosto 12 hanggang Setyembre 11.
Makakasama ng mga batang ito sa kanilang summer vacation ang mga aprubadong host family sa loob ng tatlo hanggang apat na linggo.
Sabi pa ni Estrada, tutugunan ng programa ang makahanap ng permanenteng pamilya para sa mga batang Pilipino na naging clear na para sa inter-country adoption.
Magkakaroon din sila ng pagkakataong maranasan ang buhay sa isang pamilya, lumahok sa iba’t ibang aktibidad, at madagdagan ang kanilang mga pagkakataong maampon. | ulat ni Rey Ferrer