Kinumpirma ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na nagsumite na ng aplikasyon para sa Plea Bargain ang 17 Chinese nationals na naaresto sa isang hinihinalang cyberscam den sa Iloilo City noong nakaraang taon.
Ayon sa CICC, umaapela ang Chinese nationals para mapababa ang kanilang sentensya.
Nahaharap ang mga ito sa paglabag sa Republic Act 10175 o ang Cybercrime Prevention Act of 2012.
Ayon naman kay CICC Executive Director Alexander Ramos, wala pang desisyon sa ngayon ang korte kung aaprubahan o hindi ang Plea Bargain.
“Plea bargaining is a legal process where the accused and the prosecution negotiate for a lesser penalty or for a lesser offense in exchange for a Guilty Plea,” ani Ramos.
Kasunod nito, muling iginiit ni Ramos na mahalaga ang Whole-of-Government Approach para tuluyang matuldukan ang mga iligal na operasyon ng iba’t ibang organized online crime groups.
“The Whole -of-Government approach lemphasize the need for greater collaboration and coordination across departmental boundaries to eliminate duplication, optimize resources, create synergies among agencies which we need to do now if we want to fight cybercrime,” dagdag pa ni Ramos. | ulat ni Merry Ann Bastasa