19 na OFW mula Lebanon, balik Pilipinas na

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nakauwi na sa Pilipinas ang may 19 na Overseas Filipino Worker (OFW) buhat sa bansang Lebanon na naipit sa girian ng Israel at ng grupong Hamas.

Dumating sila kahapon sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 lulan ng Qatar Airways flight QR 934.

Kasamang dumating ng mga OFW ang may tatlong bata na pawang mga anak ng ilan sa mga nagbalik-bayang Pinoy.

Kasunod nito, nagpaabot ng ₱100,000 tulong pinansyal ang Department of Migrant Workers (DMW) sa mga OFW returnee.

Maliban dito, tumanggap din sila ng ₱20,000 tulong pangkabuhayan mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) gayundin ng Skills Training Voucher mula sa Technical Educations and Skills Development Authority (TESDA).

Sa kasalukuyan, aabot na sa mahigit 1,000 OFW at 43 dependents buhat sa Lebanon ang natulungang maka-uwi sa Pilipinas. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us