2 barko ng Pilipinas, binangga ng Chinese Coast Guard

Nagtamo ng pinsala ang dalawang barko ng Pilipinas matapos ang dalawang panibagong insidente ng pagbangga ng Chinese Coast Guard (CCG) sa West Philippine Sea. Sa ulat ng National Task Force for the West Philippine Sea (NTF-WPS) nagsasagawa ng resupply mission ang BRP Bagacay at BRP Cape Engaño ng Philippine Coast Guard (PCG) nang magkahiwalay silang… Continue reading 2 barko ng Pilipinas, binangga ng Chinese Coast Guard

Mga COS at JO personnel ng UP, maaari nang makinabang sa social security coverage ng SSS

Mabibigyan na ng sapat na social security coverage ang mga Job Order, at mga personnel na Contract of Service ng University of the Philippines System. Kasunod ito ng paglagda sa kasunduan ng Social Security System (SSS) at UP System para sa pagpapatupad ng KaSSSangga Collect Program. Pinangunahan nina SSS President and Chief Executive Officer Rolando… Continue reading Mga COS at JO personnel ng UP, maaari nang makinabang sa social security coverage ng SSS

DSWD, hindi lang nakadepende sa datos ng PSA sa paghubog ng anti-poverty programs

Naniniwala rin si DSWD Sec. Rex Gatchalian na kulang ang P21 per meal food threshold. Kasunod ‘yan ng inilabas na datos na hindi maituturing na ‘poor’ ang isang indibdiwal kung nakakayang gumastos nang hindi bababa sa P64 kada araw para sa pagkain o katumbas ng P21 kada meal. Kaugnay nito, nilinaw ni Sec. Gatchalian na… Continue reading DSWD, hindi lang nakadepende sa datos ng PSA sa paghubog ng anti-poverty programs

Party-list solon, pinayuhan ang mga OFW sa Lebanon na lumikas kasunod ng banta ng giyera

Umaapela ngayon si OFW party-list Rep. Marissa Magsino sa mga OFW sa Lebanon na unahin ang kanilang kaligtasan at lumikas. Ito ay sa gitna ng posibilidad ng giyera sa naturang bansa dahil sa tumitinding sitwasyon doon sa pagitan ng Hezbollah at Israeli Forces. Ani Magsino, kung hindi naman kinakailangang manatili ay lumikas na at makipag-ugnayan… Continue reading Party-list solon, pinayuhan ang mga OFW sa Lebanon na lumikas kasunod ng banta ng giyera

DA, magkakasa muna ng blood testing bago mag-bakuna kontra ASF

Sisimulan na ng Department of Agriculture ang orientation at pagkuha ng blood samples para sa mga baboy sa Batangas na isasalang para bakunahan kontra ASF. Ayon kay DA Spokesperson Asec. Arnel de Mesa, wala pa munang bakunahan bukas dahil kailangan pang hintayin ang resulta ng blood testing na tatagal ng 20-48 oras. Kapag matukoy na… Continue reading DA, magkakasa muna ng blood testing bago mag-bakuna kontra ASF

Pagkuha ng lisensya at rehistro ng baril sa Camp Crame, suspendido ngayong araw

Pansamanatalang suspendido ang mga transaksyon sa pagkuha ng lisensya at rehistro ng baril ngayong araw sa Camp Crame dahil sa Special Non-working holiday sa Quezon City. Sa abiso ng Philippine National Police (PNP), hindi muna sila tatanggap ng aplikasyon para sa Permit To Carry Firearms Outside Residence (PTCFOR) ngayong araw. Kasama rin dito ang bago… Continue reading Pagkuha ng lisensya at rehistro ng baril sa Camp Crame, suspendido ngayong araw

OCD-CALABARZON, naglabas ng babala sa mga taga-Batangas dahil sa volcanic smog

Nagbabala ang Office of Civil Defense – Region 4A (CALABARZON) sa mga residente ng Batangas laban sa epektong dulot ng volcanic smog o vog. Ito’y kasunod ng panibagong pag-aalburoto ng Bulkang Taal nitong weekend. Ayon sa OCD, pinapayuhan nito ang mga residente sa nabanggit na lalawigan na ugaliing manatili na lamang sa tahanan lalo’t kung… Continue reading OCD-CALABARZON, naglabas ng babala sa mga taga-Batangas dahil sa volcanic smog

Magna Carta for Barangays, pinaplantsa na ng Kamara

Isinasapinal na ng Kamara ang panukalang batas na maglalatag ng komprehensibong benepisyo at suporta para sa mga opisyal ng barangay. Sa pagharap ni House Speaker Martin Romualdez sa National Convention ng Liga ng mga Barangay, sinabi ng lider ng Kamara na target nilang makapagpasa ng Magna Carta for Barangays. Ito ay bukod pa sa panukala… Continue reading Magna Carta for Barangays, pinaplantsa na ng Kamara

LTO, binalaan ang publiko vs. mga pekeng improvised plate authorization letter

Pinag-iingat ng Land Transportation Office (LTO) ang publiko laban sa mga kumakalat na nag-aalok ng pekeng improvised plate authorization letters. Kasunod ito ng impormasyon mula sa LTO Calabarzon kaugnay ng pekeng dokumento. Paglilinaw ng LTO, ang mga dokumentong ito ay walang bisa at labag sa batas. Pinayuhan naman ng ahensya ang publiko na iwasang makipag-transaksyon… Continue reading LTO, binalaan ang publiko vs. mga pekeng improvised plate authorization letter

Bulkang Taal, patuloy sa pagbuga ng mataas na lebel ng sulfur dioxide

Patuloy pa rin ang pagbuga ng Bulkang Taal ng mataas na lebel ng sulfur dioxide. Batay sa ulat na inilabas ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), as of 8am, pumapalo pa rin sa 3,355 tons ng sulfur dioxide ang ibinubuga ng bulkan. Dahil dito, pinag-iingat ng ahensya ang publiko dahil maaari aniyang makaapekto… Continue reading Bulkang Taal, patuloy sa pagbuga ng mataas na lebel ng sulfur dioxide