Matagumpay na nagtapos ang 2 araw na Multilateral Maritime Cooperative Activity (MMCA) sa pagitan ng Pilipinas, Amerika, Canada, at Australia sa West Philippine Sea kahapon.
Layon nito, ayon sa Armed Forces of the Philippines (AFP), na lalo pang palakasin ang interoperability sa pagitan ng magkakaalyadong bansa gayundin ay patatagin ang seguridad at pagtutulungan sa rehiyon.
Kasunod nito, sinabi ni Philippine Navy Spokesperson for the West Philippine Sea, Rear Admiral Roy Vincent Trinidad na matagumpay pa ring natapos ang ikalawang araw ng pagsasanay sa kabila ng presensya ng tatlong barko ng China.
Bagaman kaduda-duda aniya ang pagbuntot ng mga barko ng China, iginiit ni Trinidad na walang dapat ikabahala rito sabay giit na hindi ito show of force kundi show of committment. | ulat ni Jaymark Dagala