2 katao na nasagip sa loob ng Kingdom of Jesus Christ na umanoy biktima ng human trafficking, nasa kustodiya na ng DSWD

Facebook
Twitter
LinkedIn

Hawak na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang dalawang katao na nailigtas ng mga pulis sa loob ng Kingdom of Jesus Christ compound kahapon.

Ito ang  kinumpirma ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla matapos i-turnover ng mga pulis sa DSWD ang dalawang biktima ng human trafficking na nailigtas matapos magsagawa ng paghalughog sa compound ng KOJC sa Davao City.

Hinimok naman niya ang iba pang mga biktima at kanilang mga pamilya na makipag-ugnayan sa mga awtoridad upang malaman kung may iba pang biktima ng trafficking.

Kasabay nito, tiniyak ng kalihim na palalakasin pa ang kolaborasyon sa pagitan ng DOJ, Inter-Agency Council Against Trafficking, Philippine National Police (PNP), DSWD, at iba pang ahensya para matiyak ang airtight cases laban sa mga salarin at bigyan ng hustisya ang kanilang mga biktima.  | ulat ni Mike Rogas

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us