Tiniyak ng Department of Budget and Management na maaari ding makatanggap ng dagdag na sweldo ang mga contract of service at job orders na mga kawani ng pamahalaan.
Ayon kay DBM Sec. Amenah Pangandaman, maaaring itaas ng hanggang 20% ang premium salary ng mga COS at JOs base sa isinasaad ng Civil Service Law.
Ang pagtitiyak na ito ay kaalinsabay ng inaprubahan na implementing rules para sa bagong Salary Standardization Law na nagsasaad ng dagdag sweldo ng mga permanent employees.
Sabi nya, hindi lamang mga permanenteng empleyado ng gobyerno ang makakatanggap ng dagdag na sweldo dahil kaagapay din ang mga COS at JOs sa pagbibigay ng Tama at mahusay na serbisyo sa taumbayan.
Kanina, inanunsyo ni Pangandaman na naaprubahan na ang IRR ng bagong Salary Standardization Law at ilalathala na ito bukas sa mga pahayagan.
Pagkatapos na mailathala ay mayroong 15 days ang mga ahensya ng gobyerno para simulan na ang pagpapatupad ng dagdag sweldo sa mga kawani ng pamahalaan. | ulat ni Michael Rogas