Positibo si Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian na unti-unti nang kinakikitaan ng positibong resulta ang ipinapatupad na Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps ng pamahalaan.
Bagamat aminado ang kalihim na masyado pang maaga para masabi na talagang epektibo ang 4Ps ay may mga indikasyon naman na epektibo ito.
Aniya, nasa 400,000 hanggang 500,000 na ang naka graduate sa programa o nakaalis na sa poverty threshold.
Sa 200,000 na household beneficiaries ng programa ay mayroon nang college graduate sa pamilya.
Kinakitaan na rin aniya ng pagbabago sa health seeking behavior dahil ang mga family beneficiary ay humahanap na ng health centers para magpabakuna.
“There are tell-tale signs that it is starting to work. Too early to say that it does kasi it’s meant to break intergenational poverty. Close to 400,000 or 500,000 grumaduate na na sa programa, bagamat kailan subay bayan kasi baka they slip back into poverty. Of that, around 200,000 households now have one college grad in their families. So at least meron nang may diploma and a fair chance to fight. PIDS, in its last impact assessment, Wave 3 in 2019, said doon sa health side of it, there are signs already that the health-seeking behaviors are happening…na kahit may problema sa supply, humahanap sila ng health centers para makuha ang mga vaccinations.” saad ni Gatchalian
Gayunman, upang mapagtibay at mapatatag pa ang programa upang magkaroon ng mas malawak at pangmatagalang impact ay inaaral ngayon ng DSWD ang re-engineering ng bawat component ng 4Ps.
Kasabay nito sinabi ni Gatchalian, na kakayanin ng administrasyong Marcos na mapababa sa single digit ang poverty level sa bansa.
Aniya, batay na rin sa pagtaya ng mga economic manager ay nakabalik na ang bansa sa pre-pandemic level ng 2018.
At sa pagsusulong ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa whole-of-government approach na maresolba ang kahirapan at maibaba sa single digit ang poverty level ng bansa sa pagtatapos ng termino ni Pangulong Marcos.
“Based on our economic manager’s assessment, we are back to the pre-pandemic levels of 2018. We’re at 15%. And we know that given all the thrust that the President is putting in the whole-of-government approach to solve poverty, we believe that we will be able to achieve that single-digit poverty level.” Wika ni Gatchalian. | ulat ni Kathlee Forbes