Senado, hihingi sa DFA ng dagdag na detalye tungkol sa pagpapatuloy sa Pilipinas ng Afghan refugees

Hihingi ang Senado ng dagdag na detalye tungkol sa desisyon ng Pilipinas na payagan ang hiling ng Estados Unidos na payagan ang pansamantalang pagpapatuloy sa bansa ng limitadong refugees mula sa Afghanistan. Ayon kay Escudero, sa gagawing pagdinig ng panukalang 2025 budget ng Department of Foreign Affairs (DFA) ay tatanungin nila ang usaping ito. Sa… Continue reading Senado, hihingi sa DFA ng dagdag na detalye tungkol sa pagpapatuloy sa Pilipinas ng Afghan refugees

Sen. Risa Hontiveros, nagpasalamat sa Indonesian authorities para sa pagkakahuli kina Shiela Guo at Cassandra Ong

Nagpasalamat si Sen. Risa Hontiveros sa mga awtoridad ng Indonesia para sa pagkakahuli kina Shiela Guo at Cassandra Ong. Ayon kay Hontiveros, ang ipinakita ng Indonesian authorities ay ‘decisive action’ sa pagpapatupad ng batas at pagpapanatili ng seguridad. Pinapakita aniya ng development na ito na isang regional problem ang human trafficking na dulot ng POGO… Continue reading Sen. Risa Hontiveros, nagpasalamat sa Indonesian authorities para sa pagkakahuli kina Shiela Guo at Cassandra Ong

Panukala para sa proteksyon ng mga refugee at stateless persons, inihain sa Kamara

Inihain nina House Speaker Martin Romualdez at Tingog party-list Reps. Yedda Romualdez at Jude Acidre ang isang panukalang batas na layong bigyang proteksyon ang mga refugee at stateless person. Sa ilalim ng Comprehensive Refugees and Stateless Persons Protection Bill o House Bill 10799, isasabatas ang Refugee and Stateless Status Determination Procedure salig sa 1951 Refugee… Continue reading Panukala para sa proteksyon ng mga refugee at stateless persons, inihain sa Kamara

Ilang mga dokumento, pinasusumite ng Quad Comm kay dating Presidential Spox Harry Roque

Pinasusumite kay dating Presidential Spokesperson Harry ang ilang mga dokumento sa isinasagawang 2nd joint hearing ng Quad Committee ng Kamara. Sa interpellation ni Batangas Rep. Jinky “Bitriks” Luistro, hiniling nito sa Quad Committee Chair na isumite ng dating Malacañang official ang kanyang Statement of Assets and Liabilities and Net Worth (SALN) ng 2016-2022, audited financial… Continue reading Ilang mga dokumento, pinasusumite ng Quad Comm kay dating Presidential Spox Harry Roque

Listahan ng napatay na Chinese nationals na sangkot sa iligal na droga sa loob ng bilangguan, hinihingi ng QuadComm sa BuCor

Hiniling ni Surigao del Sur Representative Johhny Pimentel na maisumite sa QuadComm ng Kamara ang listahan ng mga Chinese national na pawang nakulong dahil sa iligal na droga, at namatay sa loob ng mga bilangguan mula July 2016 hanggang noong 2017. Kasunod ito ng pagharap sa pagdinig nina Fernando Magdadaro at Leopoldo Tan, dalawang persons… Continue reading Listahan ng napatay na Chinese nationals na sangkot sa iligal na droga sa loob ng bilangguan, hinihingi ng QuadComm sa BuCor

SP Chiz Escudero, nanawagang magkaroon ng general aviation terminal ang bansa

Binuhay ni Senate President Chiz Escudero ang kanyang mungkahi na magkatoon ng general aviation terminal sa Pilipinas, para matiyak na lahat ng lalabas ng bansa ay dadaan sa standard inspection ng customs at immigration officials. Ang pahayag na ito ng senate president ay kasunod ng napaulat na paglabas ng bansa ni dismissed Mayor Alice Guo.… Continue reading SP Chiz Escudero, nanawagang magkaroon ng general aviation terminal ang bansa

DA, kinalma ang publiko sa gitna ng banta ng African Swine Fever

Pinawi ng Department of Agriculture (DA) ang pangamba ng publiko sa karneng baboy. Ito ay kasunod ng sunod-sunod na pagharang sa mga checkpoint ng mga baboy na positibo sa African Swine Fever (ASF). May ilan kasing nangangamba na baka nasa mga pamilihan na ang mga may sakit na baboy. Tiniyak ni Agriculture Spokesperson Assistant Secretary… Continue reading DA, kinalma ang publiko sa gitna ng banta ng African Swine Fever

Mga lumutang na mga pangalan ng Senatorial slate ng administrasyon, di pa opisyal ayon sa opisyal ng Lakas-CMD

Sinusugan ni Lakas-CMD Executive Vice President at House Majority Leader Mannix Dalipe ang paglilinaw ni Partido Federal ng Pilipinas National President Governor Reynaldo S. Tamayo, Jr. na hindi pa naisasapinal ng administrasyon ang senatorial lineup para sa 2025 elections. Ani Dalipe, batid nila na marami ang nagpakita ng interes sa mga pangalang lumutang na magiging… Continue reading Mga lumutang na mga pangalan ng Senatorial slate ng administrasyon, di pa opisyal ayon sa opisyal ng Lakas-CMD

3 komite ng Senado, magtutulong-tulong para imbestigahan ang paglabas ng bansa ni Alice Guo

Naatasan ang tatlong komite ng Senado na imbestigahan ang isyu ng paglabas ng bansa ni dismissed Mayor Alice Guo. Ito ay ang Senate Committee on Justice and Human Rights ni Senate Minority Leader Koko Pimentel, Senate Committee on Women ni Senator Risa Hontiveros at ang Senate Committee on Public Services ni Senator Raffy Tulfo. Ayon… Continue reading 3 komite ng Senado, magtutulong-tulong para imbestigahan ang paglabas ng bansa ni Alice Guo

2 inmate na sangkot sa pagpatay ng 3 Chinese drug lord sa Davao Penal Farm, humarap sa pagdinig ng Quad Comm

Humarap sa ikalawang pulong ng Quad Comm ng Kamara ang dalawang indibidwal na dawit sa pagkamatay ng tatlong Chinese national na pawang convicted drug lords sa Davao Prison and Penal Farm noong 2016. Inilahad nina Fernando Magdadaro at Leopoldo Tan kung paano nila nagawang patayin sa loob ng maximum security compound, partikular sa bartolina ang… Continue reading 2 inmate na sangkot sa pagpatay ng 3 Chinese drug lord sa Davao Penal Farm, humarap sa pagdinig ng Quad Comm