Panukala para ipagbawal ang withdrawal ng COC bilang ground ng substitution ng kandidato sa eleksyon, pasado na sa Kamara

Tuluyan nang pinagtibay ng Kamara ang House Bill 10524 na magbabawal sa withdrawal o pagbawi ng Certificate of Candidacy para magpalit ng kandidato sa eleksyon ang isang political party. Inaamyendahan ng panukala ang Section 77 of Batas Pambansa Blg. 881 o Omnibus Election Code of the Philippines. Sa paraang ito mahihinto na ang paglalagay ng mga… Continue reading Panukala para ipagbawal ang withdrawal ng COC bilang ground ng substitution ng kandidato sa eleksyon, pasado na sa Kamara

Halos 200 baboy, na-condemn ng BAI sa pinaigting na hakbang vs ASF

Aabot na sa 200 baboy ang nako-condemn ng Bureau of Animal Industry (BAI) sa pinaigting na hakbang kontra African Swine Fever (ASF). Ayon kay Department of Agriculture (DA) Assistant Secretary Constante Palabrica, may higit 100 baboy rin ang naka-hold at nakatakdang suriin dahil sa nagpakita ng senyales ng ASF. Kabilang naman sa pinakahuling naharang sa… Continue reading Halos 200 baboy, na-condemn ng BAI sa pinaigting na hakbang vs ASF

QC LGU, maglalaan ng financial assistance sa mga natitira pang hog raisers sa lungsod na magsusuko ng kanilang alagang baboy

Bilang pakikiisa sa pinaigting na hakbang kontra African Swine Fever (ASF), nanawagan si Quezon City Mayor Joy Belmonte sa mga natitira pang hog raisers sa lungsod na isuko na ang kanilang mga alagang baboy. Ayon sa alkalde, may impormasyon itong may mga small hog raisers pa rin na nag-aalaga ng baboy bilang kabuhayan. Punto ni… Continue reading QC LGU, maglalaan ng financial assistance sa mga natitira pang hog raisers sa lungsod na magsusuko ng kanilang alagang baboy

Bansang Turkey, binigyang halaga ang Philippine market para sa sector ng turismo at kalakalan — DOF

Nagpahayag ng interest ang bansang Turkey na palakasin ang  trade and tourism sa Pilipinas. Ito ang inihayag ni Turkish Ambasador Niyasi Evren Akyol sa kanilang pulong ni Finance Secretary Ralph Recto kung saan tinalakay ng mga ito ang mga paraan para mapahusay ang  relasyon sa kalakalan at pamumuhunan ng dalawang bansa. Ayon sa sugo ng Turkey, interesado sila… Continue reading Bansang Turkey, binigyang halaga ang Philippine market para sa sector ng turismo at kalakalan — DOF

Kamara maglalaan ng pondo para sa libreng mpox vaccines sa mga magpopositibo ng virus

Maglalaan ng pondo ang Kamara para sa libreng mpox vaccines na siyang ipapamahagi sa mga magpopositibo sa virus. Sinabi ni House Deputy Majority Leader at Iloilo Representative Janette Garin,  alinsunod ito sa atas ni House Speaker Martin Romualdez na maglaan ng pondo para makabili ng mga bakuna laban sa mpox. Aniya, maliban sa libreng vaccine, … Continue reading Kamara maglalaan ng pondo para sa libreng mpox vaccines sa mga magpopositibo ng virus

Asia Pacific Ministerial Conference on Disaster Risk Reduction, iho-host ng Pilipinas ngayong araw

Isasagawa ngayong umaga ang ika-8 Inter-Agency Committee Meeting ng Asia Pacific Ministerial Conference on Disaster Risk Reduction (APMCDRR) 2024 sa Philippine International Convention Center (PICC) sa Pasay City. Ang pagpupulong na isinasagawa kada dalawang taon ay proyekto ng United Nations Office for Disaster Risk Reduction (UNDRR). Dito’y tatalakayin ng mga global leader at eksperto ang… Continue reading Asia Pacific Ministerial Conference on Disaster Risk Reduction, iho-host ng Pilipinas ngayong araw

AFP, PCW, at OPAPRU, magtutulungan sa pagsulong ng gender initiatives at peace-building

Nakipagpulong si Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff General Romeo Brawner Jr. sa mga opisyal ng Philippine Commission on Women (PCW) at Office of the Presidential Adviser for Peace Reconcilation and Unity (OPAPRU) sa Camp Aguinaldo noong Martes. Dito’y tinalakay ni Gen. Brawner kay PCW Sectoral Coordination Division Chief Dr. Macario Jusayan… Continue reading AFP, PCW, at OPAPRU, magtutulungan sa pagsulong ng gender initiatives at peace-building