Banta sa buhay at kaligtasan ng mga Pinoy seafarers nananatili sa Red Sea — DFA

Pinaalalahanan ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang mga Pinoy seafarers na nananatiling mapanganib sa mga barko ay maglayag  sa Red Sea.  Giit ng DFA, lalo pang lumala ang nasabing panganib dahil sa away sa Red Sea, na nagdudulot ng banta sa buhay ng lahat ng Pilipinong tripulante na nagtatrabaho sa naturang lugar.  Dahil dito,… Continue reading Banta sa buhay at kaligtasan ng mga Pinoy seafarers nananatili sa Red Sea — DFA

Malabon LGU, nagbabala sa kumakalat na scam na ginagamit ang pangalan ni Mayor Jeannie Sandoval

Pinag-iingat ngayon ng Malabon LGU ang mga residente nito sa kumakalat na isang panawagan para sa donasyong salapi na diumano’y mula kay Mayor Jeannie Sandoval. Sa abiso ng LGU, pinabulaaan nito ang naturang impormasyon at iginiit na ito ay pawang gawa-gawa lamang. Kasunod nito, ay pinayuhan ng LGU ang mga residente na mag-ingat at maging… Continue reading Malabon LGU, nagbabala sa kumakalat na scam na ginagamit ang pangalan ni Mayor Jeannie Sandoval

Kapatid ni dismissed Bamban Mayor Alice Guo na si Shiela Guo at Cassandra Li Ong, hawak pa ng NBI

Nananatili pa ngayon sa tanggapan ng National Bureau of Investigation (NBI) sa Quezon City sina Shiela Leal Guo, kapatid ng sinibak na Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo, at Katherine Cassandra Li Ong, isa sa incorporator ng sinalakay na scam hub sa Porac, Pampanga. Magkasamang nakadetine sina Ong at Guo sa isang special detention room sa… Continue reading Kapatid ni dismissed Bamban Mayor Alice Guo na si Shiela Guo at Cassandra Li Ong, hawak pa ng NBI

Mga isdang huli sa Naic, Ternate, Kawit, at Maragondon, Cavite, ligtas nang kainin — BFAR

Kinumpirma ng Department of Agriculture-Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (DA-BFAR) na ligtas nang kainin ngayon ang mga isdang huli mula sa apat na munisipalidad sa Cavite, kabilang ang Naic, Ternate, Kawit, at Maragondon. Ayon sa BFAR, matapos ang isinagawang on-ground monitoring at assessment ay nakapasa na sa sensory evaluation ang tatlong magkasunod na batch… Continue reading Mga isdang huli sa Naic, Ternate, Kawit, at Maragondon, Cavite, ligtas nang kainin — BFAR

Mga magbabakasyon ngayong weekend, pinayuhang wag magbitbit ng pork products

Nanawagan ngayon ang National ASF Prevention and Control Program sa mga magbabakasyon ngayong long weekend na iwasang magdala ng pork at pork products sa kanilang mga pupuntahang destinasyon. Kabilang dito ang chicharon, sausages, ham, chorizo, at iba pa. Giit ng Department of Agriculture (DA), hindi nagbabakasyon ang African Swine Fever (ASF). Paliwanag pa ng kagawaran,… Continue reading Mga magbabakasyon ngayong weekend, pinayuhang wag magbitbit ng pork products

Mga senador, naniniwalang malapit na ring mahuli ng mga awtoridad si dismissed Mayor Alice Guo

Tiwala sina Senador Loren Legarda at Senador Sherwin Gatchalian na matatagpuan na rin sa lalong madaling panahon si dismissed Mayor Alice Guo kasunod na pagkakahuli sa kapatid niyang si Shiela Guo at sa kanilang business associate na si Cassandra Li Ong. Ayon kay Legarda, magpapatuloy lang ang pagsisiyasat ng Senado sa mga isyung kinasasangkutan ni… Continue reading Mga senador, naniniwalang malapit na ring mahuli ng mga awtoridad si dismissed Mayor Alice Guo

Dagdag na medical allowance para sa public school teachers, pinuri ng isang mambabatas

Pinapurihan ni Navotas Representative Toby Tiangco ang hakbang ng pamahalaan na madagdagan ang medical allowance ng mga guro sa pampublikong paaralan. Aniya, patunay ito na seryoso ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa pagbibigay ng karampatang benepisyo sa ating mga guro. Paalala ng mambabatas na isa ang mga guro sa sandigan ng bansa.… Continue reading Dagdag na medical allowance para sa public school teachers, pinuri ng isang mambabatas

DFA, may hinihintay na lang na kumpirmasyon mula sa NBI para tuluyang makansela ang pasaporte ni Alice Guo

Nasa proseso na ang Department of Foreign Affairs (DFA) ng pagkansela sa pasaporte ni Alice Guo. Ito ang kinumpirma ni DFA-OCA Passport Division Acting Director Von Ryan Pangwi sa pagdinig ng Quad Committee ng Kamara. Aniya, sumulat sila sa Bureau of Immigration (BI) at National Bureau of Investigation (NBI) upang makumpirma kung ang biometrics ni… Continue reading DFA, may hinihintay na lang na kumpirmasyon mula sa NBI para tuluyang makansela ang pasaporte ni Alice Guo

Sec. Teodoro, di pabor sa paglikha ng bagong “superbody” para tumugon sa kalamidad

Hindi pabor si Department of National Defense (DND) Secretary Gilbert Teodoro sa paglikha ng bagong “superbody” para tumugon sa mga kalamidad. Sa media launch ng Asia-Pacific Ministerial Conference on Disaster Risk Reduction kahapon sa Philippine International Convention Center (PICC), sinabi ng kalihim na mas mabuting palakasin ang koordinasyon at pagpapalitan ng impormasyon ng mga ahensyang… Continue reading Sec. Teodoro, di pabor sa paglikha ng bagong “superbody” para tumugon sa kalamidad

Pagpupulong ng Multisectoral Governance Council, pinangunahan ni Gen. Brawner

Pinangunahan ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff General Romeo Brawner Jr. ang ika-25 pagpupulong ng Multisectoral Governance Council (MSGC) sa AFP Headquarters sa Camp Aguinaldo kahapon. Ayon kay AFP Public Affairs Office Chief Col. Xerxes Trinidad, bahagi ito ng pagpapalakas ng pamamahala, transparency, at accountability sa hanay ng Sandatahang Lakas. Ang… Continue reading Pagpupulong ng Multisectoral Governance Council, pinangunahan ni Gen. Brawner