DOLE, buo ang suporta sa bagong Director General ng TESDA

Mainit na tinanggap ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang bagong Director-General ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) na si Rep. Jose Francisco “Kiko” Benitez kasabay ng pangako ng buong suporta nito sa kanyang pamumuno. Sa pagdiriwang ng ika-30 anibersaryo ng TESDA sa Pasay City, ipinahayag ni DOLE Secretary Bienvenido Laguesma, sa… Continue reading DOLE, buo ang suporta sa bagong Director General ng TESDA

DTI, kinilala ang mga nangungunang LGU sa bansa sa 2024 Cities and Municipalities Competitiveness Index Rankings

Inilabas ng Department of Trade and Industry (DTI) ang 2024 Cities and Municipalities Competitiveness Index (CMCI) rankings nito na nagpapakita ng mga nangungunang lokal na pamahalaan sa buong Pilipinas. Ngayong taon, nanguna ang Quezon City bilang pinaka-competetive na lungsod sa bansa, na nakapagtala ng mataas na puntos sa ilang kategorya, kabilang ang government efficiency at… Continue reading DTI, kinilala ang mga nangungunang LGU sa bansa sa 2024 Cities and Municipalities Competitiveness Index Rankings

DHSUD, nakapagtala ng100% resolution rate sa 8888 CCC

Nakakuha ng 100% resolution rate ang Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) sa paghawak ng mga reklamo mula Enero hanggang Hulyo ngayong taon. Sa isang ulat mula sa Office of the President’s 8888 Citizens’ Complaint Center, ang DHSUD ay nagtala ng 100% resolution rate at 98.15% rate sa 72-hour compliance period. Nakatanggap ang… Continue reading DHSUD, nakapagtala ng100% resolution rate sa 8888 CCC

DSWD, iginiit sa Kongreso ang maayos na paggamit ng pondo ng ahensya

Tiniyak sa Kongreso ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian ang pagkakaroon ng substantial improvement sa paggamit ng budget ng ahensya. Ito ang sinabi ng Kalihim sa naging pagdinig ng House Committee on Appropriations para sa 2025 budget ng ahensya. Sinabi ni Secretary Gatchalian ang obligation rate ng DSWD noong July… Continue reading DSWD, iginiit sa Kongreso ang maayos na paggamit ng pondo ng ahensya

Mahigit 161,000 litro ng langis, na-recover mula sa lumubog na MTKR Terranova sa Bataan

Tinatayang umabot na sa higit 161,000 litro ng langis ang na-recover ng mga awtoridad mula sa lumubog na barkong MTKR Terranova sa Bataan ayon sa pinakahuling ulat mula sa Philippine Coast Guard (PCG). Ayon sa kinontratang salvor ship na Harbor Star ay umaabot na sa humigit-kumulang 7,200 litro ng langis ang nahihigop nito kada oras… Continue reading Mahigit 161,000 litro ng langis, na-recover mula sa lumubog na MTKR Terranova sa Bataan

BFAR, idineklara nang ligtas kainin ang mga isda sa apat na Coastal Municipalities sa Cavite

Ligtas na sa human consumption ang mga isda mula sa ilang karagatan sa Cavite matapos ang oil spill sa Limay, Bataan. Ayon sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources, nakapasa na sa tatlong magkasunod na sensory evaluation ang mga sample ng isda sa karagatan ng Naic, Ternate, Kawit at Maragondon. Isinagawa ito ng BFAR mula… Continue reading BFAR, idineklara nang ligtas kainin ang mga isda sa apat na Coastal Municipalities sa Cavite