PNP, di aalis sa KOJC compound — DILG

Hindi pa rin ititigil ng Philippine National Police (PNP) ang pagsisilbi ng Warrant of Arrest laban kay Kingdom of Jesus Christ Founder Pastor Apollo Quiboloy. Sa isang pahayag, sinabi ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na kinikilala nito ang inilabas na Temporary Protection Order (TPO) ng Davao Regional Trial Court Branch 15… Continue reading PNP, di aalis sa KOJC compound — DILG

Ilang bahagi ng Mandaluyong City, binaha dulot ng malakas na pagbuhos ng ulan

Nakaranas na ng pagbaha ang ilang pangunahing lansangan sa Lungsod ng Mandaluyong ngayong araw. Bunsod pa rin ito ng nararanasang pag-ulan sa malaking bahagi ng Metro Manila dulot ng hanging habagat sa nakalipas na magdamag. Sa pag-iikot ng Radyo Pilipinas, lagpas bangketa na ang baha sa panulukan ng F. Ortigas at Boni Avenue habang may… Continue reading Ilang bahagi ng Mandaluyong City, binaha dulot ng malakas na pagbuhos ng ulan

La Mesa Dam, umaapaw na; mga nakatira malapit sa Tullahan River, pinag-iingat sa banta ng baha — PAGASA

Umapaw ang La Mesa Dam sa Quezon City dahil sa tuloy-tuloy na pag-ulang dala ng habagat. Sa inilabas na situationer ng PAGASA, bandang 5:30am nang sumampa na sa 80.16 meters ang water level ng La Mesa Dam. Mas mataas na ito sa critical level na 80.15 meters na naging hudyat para magpa­kawala ng tubig ang… Continue reading La Mesa Dam, umaapaw na; mga nakatira malapit sa Tullahan River, pinag-iingat sa banta ng baha — PAGASA

Pasig City LGU, kinilala bilang ‘Kampeon ng Kalusugan’ ng DOH

Pinarangalan ang Pamahalaang Lungsod ng Pasig ng Department of Health (DOH) bilang “Kampeon ng Kalusugan” para sa kanilang best practice na “Pasig Health Aides as Bakuna Champions.” Ang pagkilala ay iginawad sa kauna-unahang Health Promotion Summit for Barangay Health Workers na ginanap sa Clark, Pampanga. Ang award na ito ay pagkilala sa dedikasyon ng Pasig… Continue reading Pasig City LGU, kinilala bilang ‘Kampeon ng Kalusugan’ ng DOH

AMLC, sasampahan na ng money laundering case ang mga sangkot sa na-raid na POGO hub sa Bamban, Tarlac ngayong linggo

Nakatakda nang maghain ngayong linggo ang Anti Money Laundering Council (AMLC) ng money laundering cases laban kay dating Mayor Alice Guo at iba pa dahil sa kaugnayan ng mga ito sa na-raid na POGO sa Bamban, Tarlac. Sa naging pagdinig ng Senado, sinabi ni AMLC Investigating and Enforcement Department Deputy Director Adrian Arpon na nakikipag-ugnayan… Continue reading AMLC, sasampahan na ng money laundering case ang mga sangkot sa na-raid na POGO hub sa Bamban, Tarlac ngayong linggo

Bagong panuntunan sa mga tollway, ipatutupad sa Oktubre ayon sa DOTr

Ipinagpaliban muna ng Department of Transportation (DOTr) ang pagpapatupad ng revised guidelines para sa mga toll expressway. Sa isang pahayag, sinabi ni Transportation Secretary Jaime Bautista na sa halip na sa darating na August 31, ipatutupad na ang bagong panuntunan sa October 1. Paliwanag ng kalihim, sa pamamagitan ng isang buwang palugit ay magbibigay daan… Continue reading Bagong panuntunan sa mga tollway, ipatutupad sa Oktubre ayon sa DOTr

Bakunahan vs. ASF, tuloy na sa Aug. 30 — DA

Tuloy na sa Biyernes, August 30, ang pag-arangkada ng bakunahan kontra African Swine Fever (ASF). Ayon kay Department of Agriculture (DA) Spokesperson Assiatant Secretary Arnel de Mesa, posibleng simulan sa 2,000 doses ang conrolled ASF vaccination mula sa mga hog raiser at commercial farm sa Batangas na unang nagpahayag ng interes na lumahok sa bakunahan.… Continue reading Bakunahan vs. ASF, tuloy na sa Aug. 30 — DA

Suplay ng baboy sa bansa, stable para sa papasok na ber-months — DA

Sa kabila ng pagtaas ng bilang ng mga lugar sa bansa na may aktibong kaso ng African Swine Fever (ASF), tiniyak ng Department of Agriculture (DA) na nananatiling stable ang suplay ng baboy sa bansa lalo na ngayong papasok na ber-months. Ayon kay DA Spokesperson Assistant Secretary Arnel de Mesa, kontrolado ang ASF situation sa… Continue reading Suplay ng baboy sa bansa, stable para sa papasok na ber-months — DA

Klase sa iba’t ibang paaralan sa silangang bahagi ng Metro Manila, sinuspinde dahil sa masamang panahon

Nag-anunsyo na ang iba’t ibang lokal na pamahalaan sa silangang bahagi ng Metro Manila ng suspensyon ng klase sa kanilang mga paaralan ngayong araw. Ito’y bunsod ng nararanasang malakas na buhos ng ulan sa malaking bahagi ng Kamaynilaan dulot ng hanging habagat. Batay sa anunsyo ng mga Lokal na Pamahalaan ng Pasig, Mandaluyong, Marikina, at… Continue reading Klase sa iba’t ibang paaralan sa silangang bahagi ng Metro Manila, sinuspinde dahil sa masamang panahon

‘Three-pronged strategy’ sa WPS, ipinatutupad ng AFP

Ipinatutupad ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang “three-pronged strategy” para tugunan ang sitwasyon sa West Philippine Sea (WPS). Ito ang inihayag ni AFP Chief of Staff General Romeo Brawner Jr. sa 35th International Military Law and Operations Conference (MILOPS 24) sa Manila Hotel kahapon. Sinabi ni Brawner na una dito ang pagpapatupad ng… Continue reading ‘Three-pronged strategy’ sa WPS, ipinatutupad ng AFP