Bilang ng mga OFW na nagbalik-bansa mula Lebanon, pumalo na sa mahigit 300

Pumalo na sa 305 ang bilang ng mga Overseas Filipino Worker (OFW) na piniling umuwi sa Pilipinas matapos maipit sa sigalot sa Lebanon. Ito ang inihayag ng Department of Migrant Workers (DMW) matapos na umuwi kahapon ang may 16 na OFW sa ilalim naman ng repatriation program ng pamahalaan. Kabilang sa mga nakauwi ang household… Continue reading Bilang ng mga OFW na nagbalik-bansa mula Lebanon, pumalo na sa mahigit 300

Hiling ng DOTr na karagdagang pondo para sa bike lanes, sinuportahan ng ilang mambabatas

Sinuportahan ng mga mambabatas ang apila ng Department of Transportation (DOTr) na dagdagan ang kanilang budget para sa active transport  o pagtatalaga ng mga bike lanes sa buong bansa. Sa ilalim ng 2025 National Expenditure Program, nasa ₱60-million lamang ang budget na inaprubahan ng Department of Budget and Management (DBM) sa kabila ng ₱2.6-billion na… Continue reading Hiling ng DOTr na karagdagang pondo para sa bike lanes, sinuportahan ng ilang mambabatas

Kabuuang halaga ng iligal na drogang nasabat ng PDEA, higit P46-B na

Umabot na sa P46.59 bilyon ang kabuuang halaga ng mga iligal na drogang nakum­piska ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA). Ayon sa PDEA, nagmula ito sa higit 78,000 anti-drug operation nito mula Hulyo 1, 2022 hanggang July 31, 2024. Nangunguna rito ang nasabat na shabu na umabot sa 6,059 kilo, 74.69 kilo ng cocaine, higit… Continue reading Kabuuang halaga ng iligal na drogang nasabat ng PDEA, higit P46-B na

Quad Comm, natukoy na iisa lang ang Whirlwind Corporation at Lucky South 99

Kumbinsido na si Quad Committee co-Chair Joseph Stephen Paduano na iisa lang ang Whirlwind Corporation at Lucky South 99. Sa naging pag-usisa ni Paduano kay Cassandra Ong na umaming shareholder ng Whirlwind at representative ng Lucky South 99, sinabi ni Ong na iisa lang ang mga may-ari ng dalawang kumpanya. Lumalabas kasi na maliban sa… Continue reading Quad Comm, natukoy na iisa lang ang Whirlwind Corporation at Lucky South 99

19 na scammer kabilang ang 2 vlogger na nagpapanggap na bank representatives, arestado ng PNP Anti-Cybercrime Group

Inaresto ng mga tauhan ng Philippine National Police – Anti-Cybercrime Group (PNP-ACG) ang nasa 19 na indibiduwal kabilang na ang dalawang kilalang vlogger na sangkot sa vishing o voice phising at scamming activities. Ayon kay PNP-ACG Director, Police Maj. Gen. Ronnie Francis Cariaga, ikinasa ang naturang operasyon sa lungsod ng Imus, lalawigan ng Cavite sa… Continue reading 19 na scammer kabilang ang 2 vlogger na nagpapanggap na bank representatives, arestado ng PNP Anti-Cybercrime Group

AFP Chief of Staff at Commander ng US Indo-Pacific Command, bumisita sa EDCA facilities sa Basa Air Base

Binisita nila Armed Forces of the Philippines Chief of Staff, General Romeo Brawner Jr. at United States Indo-Pacific Commander, Admiral Samuel Paparo ang Basa Air Base sa Pampanga. Bahagi ito ng mga aktibidad na may kaugnayan sa isasagawang pagpupulong ng Mutual Defense Board at Security Engagement Board na nakatakdang isagawa sa Baguio City ngayong araw.… Continue reading AFP Chief of Staff at Commander ng US Indo-Pacific Command, bumisita sa EDCA facilities sa Basa Air Base

16 na OFW mula Lebanon, ligtas na nakauwi ng Pilipinas

Ligtas na nakauwi ng bansa ang 16 na Overseas Filipino Workers lulan ng Emirates Airlines flight EK-332 na lumapag sa NAIA Terminal 3 mula Lebanon. Ang naturang OFWs ay boluntaryong nag-avail ng repatriation program ng gobyerno. Sila ay natatanggap ng tulong financial na P75,000 mula sa DMW action fund at iba pang suporta mula sa… Continue reading 16 na OFW mula Lebanon, ligtas na nakauwi ng Pilipinas

Bilateral military exercise ng Pilipinas at Indonesia, umarangkada

Pormal na inilunsad kahapon ang PHILINDO STRIKE IV-2024 bilateral military exercise sa pagitan ng Pilipinas at Indonesia. Ang 6th Infantry Division ng Philippine Army ang host ng joint exercises na isinasagawa sa Maguindanao del Norte. Ayon kay Division Chief of Staff Col. Edgar Catu, iba’t ibang pagsasanay ang isasagawa upang higit pang mapalakas ang kolaborasyon… Continue reading Bilateral military exercise ng Pilipinas at Indonesia, umarangkada

Karagdagang pondo para sa mga bike lane, inihirit ng DOTr

Inihihirit ngayon ng Department of Transportation (DOTr) ang karagdagang pondo para sa paglalagay ng mga bike lane sa iba’t ibang bahagi ng bansa. Ito ang muling binigyang-diin ni Transportation Secretary Jaime Bautista nang pangunahan nito ang groundbreaking ng expansion ng active transport infrastructure at pagpapasinaya ng end-of-trip facilities sa Marikina City ngayong araw. Magugunitang sa… Continue reading Karagdagang pondo para sa mga bike lane, inihirit ng DOTr

Online post sa umanoy cash assistance sa Nat’l ID holders, fake news — PSA

Nagbabala ngayon ang Philippine Statistics Authority (PSA) laban sa mga kumakalat na posts online kaugnay ng ₱5,000 cash assistance para sa National ID holders. Ayon sa PSA, hindi ito dapat paniwalaan ng publiko dahil ito ay hindi nagmula sa ahensya at ito ay posibleng isang online scam. Paliwanag pa ng PSA, bagamat ginagamit ang National… Continue reading Online post sa umanoy cash assistance sa Nat’l ID holders, fake news — PSA