Umabot sa 3.5 milyon na mga mag-aaral sa Region 4A, 4B, at National Capital Region ang apektado ng volcanic smog o vog mula sa Bulkang Taal.
Sa pinakahuling datos na inilabas ng Department of Education (DepEd) halos 3,000 mga paaralan ang apektado sa 27 division, sa nabanggit na mga rehiyon.
Samantala, nasa 345 na mga paaralan sa Laguna ang nagsuspinde ng face-to-face classes habang 302 na mga paaralan naman sa Rizal, at kasalukuyang nagpapatupad ng alternative delivery mode gaya ng modular at online classes.
Sa ngayon, patuloy ang pagbabantay ng PHIVOLCS sa lagay ng Bulkang Taal na nasa ilalim pa rin ng Alert level 1. | ulat ni Diane Lear