Nasa mabuting lagay ng makauwi sa Pilipinas ang tatlong Pinoy seafarers mula sa dating kinubkob na Portuguese-flagged container ship na MSC Aries noong April 13, 2024.
Ang mga naturang seafarers ay tatlo sa apat na Pilipinong crew members na na-hostage nang makubkob ng Iranian authorities ang MSC Aries noong nakaraang abril habang ito ay dumaraan sa Strait of Hormuz, malapit sa Gulf of Oman.
Matatandaan na nakauwi na ang isa sa kanila noong May 10.
Kaagad naman silang sinalubong ng OWWA Airport Team, kasama ang ilang kawani mula sa Department of Migrant Workers (DMW) at Department of Foreign Affairs (DFA).
Bukod sa financial assistance sasagutin din ng pamahalaan ang gastusin sa pamasahe pauwi sa kanilang probinsiya. | ulat ni Lorenz Tanjoco
📷 OWWA