Aabot sa 300 na Las Piñeras ang sumali sa family planning caravan na inorganisa ng Las Piñas City Health Office sa Almana Uno Covered Court sa Barangay Almanza Uno ng lungsod.
Nagbigay ang caravan ng malawak na serbisyo na layuning isulong ang responsableng pagiging magulang at pagpaplano ng pamilya o family planning.
Dumalo sa aktibidad sina City Vice Mayor April Aguilar at City Health Office OIC Dr. Juliana Gonzalez para suportahan ang pangako ng administrasyon na tiyakin ang kalusugan at kapakanan ng mga pamilyang Las Piñeros.
Tampok sa caravan ang lektura ukol sa responsableng pagiging magulang at family planning kung saan ang mga lumahok ay pinagkalooban ng libreng pamamaraan ng pagpaplano ng pamilya kasama ang condoms, pills, injectables, at progestin subdermal implants.
Naglagay din ang lokal na pamahalaan ng mga booth para sa green card applications at civil registry services.
Ang inisyatibang ito ay bahagi sa hakbang ng Pamahalaang Lungsod upang siguruhin ang kaunlaran ng Las Piñas sa pamamagitan ng maayos na pagpaplano ng mga pamilya. | ulat ni Lorenz Tanjoco