Tinatayang humigit-kumulang sa 300 kawani ng Philippine Coast Guard (PCG) ang nakinabang sa libreng konsultasyon at gamot sa paglulunsad ng Tamang Alaga Program na isinagawa sa National Headquarters nito sa Port Area, Maynila, nitong linggo.
Ang nasabing programa ay resulta ng pakikipagtulungan ng PCG sa Unilab Pharmaceutical Company na nagbigay din ng diskwento sa mga de-kalidad na gamot, branded man o generic, para sa mga tauhan, pensiyonado, dependents, at retirado ng PCG.
Ipinahayag ni Chief of Medical Staff CG Captain Joseph Alejandro Trinidad ang kanyang pasasalamat sa mga katuwang nito para sa katuparan ng programa tulad ng RiteMed, Pharex, at iba pa na tumulong upang maging matagumpay ang kaganapan. | ulat ni EJ Lazaro