Ipinagdiriwang ng Philippine Coast Guard (PCG) ang pagtatapos ng 314 na mga bagong Coast Guardian mula sa Hayag-Dilaab Coast Guard Officers’ Course Class 30-2023 Bravo.
Ginanap ang seremonya sa Regional Training Center sa Bataan na dinaluhan ni CG Vice Admiral Rolando Lizor Punzalan Jr. na kumatawan kay Commandant CG Admiral Ronnie Gil Gavan.
Marka ang nasabing kaganapan ng pagtatapos ng halos sampung buwan ng masusing pagsasanay na humubog sa mga bagong officer upang maging mahusay na mga lingkod-bayan.
Hinimok naman ni Vice Admiral Punzalan ang mga nagtapos na maglingkod nang walang pag-iimbot at maging inspirasyon sa loob ng PCG.
Itatalaga ang mga bagong opisyal na nagsipagtapos sa iba’t ibang unit ng PCG sa bansa, na ayon sa PCG ay handang tuparin ang kanilang mga tungkulin nang may dedikasyon at husay.| ulat ni EJ Lazaro