5 bagong posisyon para sa mga guro, bubuoin sa ilalim ng inaprubahang Career Progression System Bill sa Kamara

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nasa 197 na mga kongresista ang bumoto pabor sa pagpapatibay ng House Bill 10270 o ang “Career Progression System for Public School Teachers Act.”

Sa ilalim ng panukala, bubuo ng isang isang career progression system para sa mga guro sa pampublikong paaralan mula elementarya hanggang high school upang maging malinaw ang kanilang promotion.

Magkakaroon dito ng classroom teaching at school administration track.

Sa paraang ito, ang mga guro na nais magpatuloy sa pagtuturo ay magkakaroon ng competitive na sweldo na hindi kailangan lumipat na administrative role.

Ayon kay Speaker Martin Romuladez ipinapakita ng panukalang ito na kaisa ang Kongreso sa hangarin ng Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na isulong ang kapakanan ng lahat ng sektor ng lipunan.

“Nagagalak tayo at naipasa natin ang panukalang ito na magsusulong ng kapakanan ng halos isang milyong mga guro sa ating public schools. This measure is proof that we are one with the administration of President Ferdinand ‘Bongbong’ R. Marcos Jr. in advancing the welfare of all sectors of society,” ani Speaker Romualdez.

Isa sa pangunahing probisyon ng panukala ang pagbibigay ng kapangyarihan sa Department of Budget and Management (DBM) na likhain ang mga posisyong Teacher IV, V, VI, VII, at Master Teacher V at ang angkop na pagtaas sa sahod para sa mga ito.

Ang mga kasalukuyang head teacher naman ay bibigyan ng opsyon na manatili sa kanilang kasalukuyang posisyon o magpa-reclassify sa katumbas na posisyon. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us