500 rider, nakilahok sa ‘Ride For West Philippine Sea’

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nasa 500 rider mula sa iba’t ibang motorcycle club at unipormadong serbisyo ang nakilahok sa “Ride for West Philippine Sea” na inorganisa ng Breakfast Ride Community at Civil Relations Service ng Armed Forces of the Philippines (CRSAFP).

Ang mga rider ay nagsimula sa Camp Aguinado sa Quezon City patungo sa Philippine Fleet Naval Operating Base, Subic Zambales noong Linggo para maghatid ng mga “care package” na naglalaman ng non-perishable food items, personal care products, at “letter of encouragement” sa mga tropang nagbabantay ng teritoryo ng bansa sa WPS.

Layon din ng aktibidad na itinaon sa pagdiriwang ng National Heroes Day, na palawakin ang kaalaman ng pandaigdigang komunidad ukol sa soberenya ng Pilipinas sa WPS, at para ipakita ang suporta sa mga magigiting na nagbabantay sa karagatan ng bansa.

Kabilang sa mga opisyal na lumahok sa aktibidad sina: AFP Deputy Chief of Staff, Lt. Gen. Charlton Sean Gaerlan; AFP Civil Relations Commander Maj. Gen. Ramon Zagala; NOLCOM Deputy Commander Commodore Karl Decapia; Philippine Fleet Deputy Commander Commo. Juario Marayag; Senator JV Ejercito; at retired Philippine National Police (PNP) Chief Gen. Dionard Carlos.  | ulat ni Leo Sarne

📸: 1st Civil Relations Group, CRSAFP

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us