60-day price freeze, ipinatutupad sa Valenzuela

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagpaalala ang Valenzuela LGU sa mga residente na kasalukuyang umiiral ang 60-Day Price Freeze sa ilang pangunahing bilihin sa lungsod.

Kasunod ito ng pagsailalim ng Valenzuela sa State of Calamity alinsunod sa City Resolution No. 3186-2024.

Nakabatay rin ito sa Section 6 ng Republic Act No. 7581 na nagmamandato ng 60-day price freeze sa mga pangunahing pangangailangan sa mga lugar na nasa State of Calamity.

Hinikayat ng LGU ang mga konsyumer na i-report ang mga retailer na nagbebenta ng mga pangunahing pangangailangan sa mas mataas sa nakatalagang presyo.

Maaaring i-report ito sa LEDIPO Consumer Welfare Unit sa 8352-1000 local 1808 o magpadala ng mensahe sa [email protected].  | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us