Kabuuang 8,500 na benepisyaryo mula Eastern Visayas ang napagkalooban ng bigas, educational at livelihood assistance sa pamamagitan ng tatlong programa na isinulong ni Speaker Martin Romualdez.
Kasabay ng paglulunsad sa pinakamalaki at unang region-wide Bagong Pilipinas Serbisyo Fair ay nagkaroon din ng pamamahaging tulong sa pamamagitan ng Cash Assistance and Rice Distribution (CARD) Program, Start-up, Incentives, Business Opportunity and Livelihood (SIBOL), at Integrated Scholarship and Incentives for the Youth (ISIP for the Youth).
“Kapag may Bagong Pilipinas Serbisyo Fair sa isang lugar, isinasabay na rin natin ang CARD, SIBOL, at ISIP para matulungan natin ang mga sektor na hindi man nakasama sa 4Ps program ay alam nating nahihirapan sa hamon ng pang-araw-araw na pamumuhay,” sabi ni Speaker Romualdez.
Ang tatlong programa ay pinondohan sa pamamagitan ng Ayuda sa Kapos sa Kita Program (AKAP) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Kabuuang 3,000 benepisyaryo sa Eastern Visayas ang pinagkalooban ng tig-P5,000 at 20 kilo ng bigas sa pamamagitan ng CARD.
Sa SIBOL naman, 2,500 na benepisyaryo ang nakatanggap ng tig-P5,000 na financial aid at 5 kilong bigas.
Mga mag-aaral naman sa kolehiyo na hamon ang gastos sa pag-aaral ang tinulungan ng ISIP for the Youth Program.
Nasa 3,000 student-beneficiaries ang pinagkalooban ng P5,000 at limang kilong bigas.
Ipapasok din sila sa Tulong Dunong Program (TDP) ng Commission on Higher Education’s (CHED) kung saan sola makakakuha ng scholarship assistance kasa semestre na nagkakahalaga ng P15,000, at mabibigyan ng priority slots sa l Government Internship Program (GIP) oras na magtapos.
Maliban dito ang kanilang nga magulang o guardian na walang trabaho ay ipapasok sa TUPAD Program ng Department of Labor and Employment (DOLE).| ulat ni Kathleen Forbes