Tinatayang nasa 8,640 Automated Counting Machines (ACMs) ang naihatid na ngayong umaga, Agosto 31, sa bodega ng Commission on Elections (COMELEC) sa Biñan, Laguna.
Ang nasabing mga ACM’s ay bahagi ng kabuuang 110,000 na makina na inupahan ng COMELEC para sa gaganaping national and local elections sa Mayo 12, 2025 mula sa joint venture ng Miru Systems Co Ltd, Integrated Computer Systems, St. Timothy Construction Corp., at Centerpoint Solutions Technologies, Inc.
Maliban sa pagtanggap ng mga nai-deliver na ACM’s, ininspeksyon din ng mga kawani ng COMELEC ang bawat ACM na dumating ngayong araw sa kanilang warehouse.
Dinaluhan naman ang isinagawang partial delivery ng mga opisyal mula sa COMELEC at mga tagamasid mula sa Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV), National Citizens’ Movement for Free Elections (NAMFREL), Legal Network for Truthful Elections (LENTE), at PARTICIPATE PH.
Sinasabing dadating naman sa mga susunod na mga buwan ang ilan pang natitirang ACM na gagamitin sa halalan sa susunod na taon. | ulat ni EJ Lazaro