Isinusulong ngayon ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos ang ganap na pagpapatupad ng 911 emergency system sa buong bansa.
Ginawa ng kalihim ang pahayag sa ginanap na Emergency 911 (E911) National Summit sa EDSA Shangri-La sa Mandaluyong.
Ayon sa kalihim, dapat na magtayo na ang bawat lungsod ng sarili nitong local 911 call center lalo na ngayong mayroong banta ng La Niña sa mga susunod na buwan.
Mahalaga aniya ang kooperasyon ng bawat LGU para sa pag-set up ng sarili nitong local emergency call center, katulad ng decentralized system sa US.
Kaugnay nito, inilunsad naman ng DILG ang emergency response system gamit ang makabagong teknolohiya mula sa US 911 system upang mapabilis ang pagtugon sa anumang emergency situation sa bansa. | ulat ni Merry Ann Bastasa