Iniulat ng Department of Budget and Management (DBM) na umabot sa 94.2% ng 2024 national budget ang nailabas sa katapusan ng Hulyo.
Ito ay katumbas ng higit sa ₱5.44 trilyon mula sa ₱5.77 trilyong General Appropriations Act (GAA) na naitalaga sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno.
Sa mga pangunahing departamento, ang Department of Education (DepEd) ang nakatanggap ng pinakamalaking alokasyon na sinundan ng Department of Public Works and Highways (DPWH) at Department of Health (DOH).
Gayunpaman, may ₱333.57 bilyon na lamang ang nalalabi sa kasalukuyang pondo ng pambansang budget ang hindi pa nailalabas.
Ang mga pondong ito ay inaasahang ilalabas sa mga susunod na buwan, nakadepende sa pagsusumite ng mga espesyal na hiling ng badyet at pagtupad sa mga kinakailangang requirement ng mga ahensya.
Para sa 2025, ang pambansang budget ay tinatayang aabot sa ₱6.352 trilyon, mas mataas ng 10.1% kumpara sa budget ngayong taon. | ulat ni EJ Lazaro