Nagisa sa pagdinig ng senado ngayong araw ang si Atty. Elmer Galicia, ang abugadong nagnotaryo sa counter-affidavit na isinumite ni dating Mayor Alice Guo.
Matatandaang una nang sinabi ni Galicia na personal niyang nakita si Guo nang magpanotaryo ito noong August 14.
Pero sa hearing kanina, sinabi ni Galicia na hindi na niya sigurado kung talagang si Guo ang nagpanotaryo sa kanya at na hindi rin niya alam na may arrest warrant laban sa dating alkalde.
Sa pagkakaalala aniya ng abugado, kamukha ni Guo ang nakita niya sa loob ng sasakyan noong gabing iyon.
Pero aminado si Galicia na hindi niya pinababa ng sasakyan ang akala niyang si Guo para pirmahan ang affidavit, hindi rin ito nanumpa sa kanyang harapan at hindi pumirma sa notarial book o sa libro ng mga nagpapanotaryo.
Ni hindi rin aniya siningil ni Galicia si Guo para sa pagpapanotaryo nito.
Nagpresenta naman aniya ito ng kanyang drivers license bilang requirement sa pagnotaryo ng kanyang affidavit.
Sinabi naman ni justice Undersecretary Nicholas Felix Ty na ang pag-amin ni Galicia ay may epekto sa mosyon ni Guo sa DOJ para mabuksang muli ang kanyang kaso at sa counter-affidavit na isinumite nito bilang sagot sa human trafficking cases na kanyang kinakaharap.| ulat ni Nimfa Asuncion