AFP Chief, lumahok sa Bilateral Meeting ng Pilipinas at Germany

Facebook
Twitter
LinkedIn

Lumahok si Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff General Romeo Brawner Jr. sa Bilateral Meeting ng Pilipinas at Germany sa Makati kahapon.

Ang High-Level meeting ay pinangunahan ni Department of National Defense (DND) Secretary Gilbert Teodoro at German Defense Minister Boris Pistorius.

Ayon kay AFP Public Affairs Office Chief Col. Xerxes Trinidad, ang pakikilahok ni Gen. Brawner sa pagpupulong ay patunay ng dedikasyon ng AFP na palakasin ang kakayahan sa panlabas na depensa sa pamamagitan ng pagsulong ng magandang relasyon sa ibang mga bansa.

Ang mga tinalakay sa pagpupulong ay tumutok sa pagpapahusay ng kooperasyong pandepensa, mga interes panseguridad ng dalawang bansa, at mga stratehiya para isulong ang kapayapaan at stabilidad.

Ang makasaysayang pagpupulong ay kasabay ng paggunita ngayong taon ng ika-70 anibersaryo ng pagkakatatag ng diplomatikong ugnayan ng Pilipinas at Germany, na testamento ng magandang pagkakaibigan at pagtutulungan ng dalawang bansa partikular sa larangang pandepensa. | ulat ni Leo Sarne

📸: SSg Ambay PA / PAOAFP

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us