Handang umalalay ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa mga pasaherong maaapektuhan ng ikinasang tigil-pasada ng mga grupong MANIBELA at PISTON.
Ayon kay AFP Spokesperson, Col. Francel Margareth Padilla, may nakalatag nang contingency plan ang Joint Task Force – National Capital Region (JTF-NCR) para rito.
Magsisilbing karagdagang augmentation ito sa Libreng Sakay na i-aalok naman ng iba pang mga ahensya ng pamahalaan.
Ipakakalat aniya ang mga asset ng AFP sa mga rutang lubhang apektado ng tigil-pasada. | ulat ni Jaymark Dagala