Nag-donate ng P4 milyon ang Armed Forces of the Philippines (AFP) para sa mga biktima ng Bagyong Carina.
Ang tseke ay tinurn-over ni AFP Chief of Staff General Romeo Brawner Jr. sa GMA Kapuso Foundation sa kanilang Sagip Dugtong Buhay bloodletting event sa Lungsod Quezon noong Sabado.
Sinabi ng AFP Chief na inaasahan niyang gagamitin ang pondo para sa pagsasaayos ng imprastraktura na winasak ng Bagyong Carina.
Ayon kay AFP Public Affairs Office Chief Col. Xerxes Trinidad, ang donasyon ay mula sa kontribusyon ng mga sundalo na bahagi ng kanilang subsistence allowance.
Ito aniya ay testamento ng sama-samang pagsisikap at kahandaang magsakripisyo ng lahat ng tauhan ng Sandatahang Lakas para sa kapakanan ng komunidad. | ulat ni Leo Sarne
📷: PFC Carmelotes/PAOAFP