AFP, tiniyak ang pagtalima sa Int’l Humanitarian Law sa lahat ng kanilang operasyon

Facebook
Twitter
LinkedIn

Tiniyak ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff General Romeo Brawner Jr. ang commitment ng Sandatahang Lakas sa International Humanitarian Law (IHL) at pagtiyak na ang lahat ng operasyon ng militar ay alinsunod sa mga prinsipyo nito.

Ang pagtiyak ay ginawa ng AFP Chief sa selebrasyon ng IHL day sa Camp Aguinaldo kahapon na pinangunahan ni Department of National Defense (DND) Secretary Gilbert Teodoro.

Tampok sa aktibidad ang pangunguna ni Gen. Brawner sa “recitation” ng Oath of Commitment sa IHL.

Sa kanyang mensahe, tinukoy ng Gen. Brawner ang pagsisikap ng AFP na ikintal sa isipan ng kanilang mga tauhan ang kahalagahan ng IHL at ang importansya ng pangangalaga sa karapatang-pantao sa pinakamahirap na sitwasyon.

Ang aktibidad ay dinaluhan ng matataas na opisyal ng gobyerno at militar at mga representante ng iba’t ibang sektor para muling tiyakin ang dedikasyon ng bansa sa IHL. | ulat ni Leo Sarne

📸: SSg Amagan/PAOAFP

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us