Patuloy pang nararamdaman ang mga aftershock ng magnitude 6.8 na lindol na tumama sa Lingig, Surigao Del Sur kahapon.
Hanggang alas-6:00 ng umaga kanina umabot na sa 726 ang naitalang aftershocks, 257 dito ang plotted at 2 ang naramdaman.
Ayon sa monitoring ng Bislig Seismic Station, naitala ang lakas ng mga pagyanig sa pagitan ng magnitude 1.2 hanggang 6.2 at may lalim mula 1 hanggang 52 kilometer.
Mula alas-6:00 ng umaga hanggang pasado alas-7:00 ng umaga, patuloy pa ang nararamdaman na mga mahihinang pagyanig.
Asahan na magtutuloy-tuloy pa ang mga aftershocks sa mga susunod na araw ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS). | ulat ni Rey Ferrer