Inatasan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos ang Cooperative Development Authority (CDA) na pag-aralan ang pagkakataon ng balikatan sa pagitan ng agriculture cooperatives at local government units (LGUs), upang mapatatag ang development at training ng mga magsasaka sa bansa.
Ayon kay Communication Secretary Cheloy Velicaria – Garafil, ginawa ng Pangulp ang direktiba, makaraang irekomenda ng Private Sector Advisory Council (PSAC) ang pagbuo sa isang tanggapan sa ilalim ng Department of Agriculture (DA), na partikular na tututok sa capacity building at professionalization ng agricultural cooperatives.
Gayunpaman, ipinunto ng Pangulo na ang mga kooperatiba ay sakop ng CDA, kaya’t iminungkahi ng Pangulo ang pagkakaroon ng Balikatan kasama ang LGUs.
“Maybe we have to come to some kind of partnership for LGUs that are in fact interested. Or the areas that we would like to organize better… Puntahan ng CDA and tell them, you know, we could do much better here and this is how we can do it with the help of the LGU.” —Pangulong Marcos.
Ang CDA ay isang government agency na attached sa Department of Trade and Industry (DTI), na nagsusulong ng paglago sa mga kooperatiba. | ulat ni Racquel Bayan