Agriculture Sec. Kiko Laurel, binigyang diin ang kahalagahan ng sapat na pondo para sa sektor ng agrikultura

Facebook
Twitter
LinkedIn

Humarap sa House Committee on Appropriations si Agriculture Secretary Francisco Tiu-Laurel para depensahan sa unang pagkakataon ang panukalang pondo ng Department of Agriculture (DA) para sa taong 2025.

Sa kaniyang pambungad na mensahe, binigyang diin ng kalihim ang kahalagahan na mapaglaanan ng sapat na pondo ang sektor ng agrikultura.

Aniya, sa nakalipas na tatlong dekada ang agri-fisheries sector ay naharap sa patuloy na hamon ng mababang produksyon at competitiveness.

Kaya naman importante na mamuhunan sa agrikulutra upang makamit ang masaganang bagong Pilipinas.

“Underscoring the need for substantial investments, we have to build better, more for agriculture to deliver the promise of a masaganang bagong Pilipinas. Utang po natin to sa milyon-milyon na ating mga magsasaka, mangingisda, nag-aalaga ng hayop, at kanilang mga pamilya na maiahon sila sa hirap, dahil sa kanilang dugo, pawis, at sakripisyo, kaya patuloy na may hinahain sa habag ng bawat Pilipino. Panahon na po na sila ang ating payamanin, hindi ang magsasaka ng ibang bansa.” Sabi ni Laurel

Dagdag pa ng kalihim, na ang dagdag na suporta sa agri-fisheries sector ay tutugon sa food insecurity at malnutrisyon.

Kabuuang P200.2 billion ang panukalang budget ng DA sa 2025 sa ilalim ng National Expenditure Program, mas mababa ito sa orihinal na proposal ng ahensya na P518.8 billion.

Gayunman, tiniyak ni Laurel na ang pondong ito ay maingat na binuo at naka-angkla sa pamamahala, reporma at polisiya ng Marcos Jr. administration. “This budget is particularly meaningful to me as it will be the first one I will present and justify before the House of Representatives. Mr. Chair, we have prepared this budget with careful consideration of its importance to the President’s governance, reforms, and initiatives. We are committed to managing it with transparency and efficiency. We aspire for a prosperous, stable, and comfortable life for our farmers and fishers.” Giit ni Laurel | ulat ni Kathleen Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us