Kinumpirma ng Anti-Money Laundering Council o (AMLC) na maghahain na rin sila ng mga kaso laban sa mga personalidad na konektado sa Whirlwind Corporation at Lucky South 99.
Sa interpelasyon ni Parañaque Rep. Gus Tambunting, inusisa nito ang AMLC kung may mga transaksyon silang napuna sa pagitan ng Whirlwind at Lucky South.
Ayon kay Atty. Emmett Manantan, Director ng Investigation and Enforcement Department ng AMLC, batay sa kanilang ginagawang imbestigasyon ay mayroon silang mga nakitang flagged transactions.
Inaasahan naman aniya na matatapos ang imbestigasyon sa loob ng dalawang linggo kung saan ihahain na rin aniya nila ang kaso
Kinumpirma rin ni Manantan na may mga overlapping na ownership ang mga indibiwal na nagpapatakbo sa Whirlwind at Lucky South 99.| ulat ni Kathleen Forbes