AMLC, sasampahan na ng money laundering case ang mga sangkot sa na-raid na POGO hub sa Bamban, Tarlac ngayong linggo

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nakatakda nang maghain ngayong linggo ang Anti Money Laundering Council (AMLC) ng money laundering cases laban kay dating Mayor Alice Guo at iba pa dahil sa kaugnayan ng mga ito sa na-raid na POGO sa Bamban, Tarlac.

Sa naging pagdinig ng Senado, sinabi ni AMLC Investigating and Enforcement Department Deputy Director Adrian Arpon na nakikipag-ugnayan na sila sa iba’t ibang law enforcement agencies at ngayong linggo ay ihahain na nila ang unang batch ng money laundering cases.

Pagdating naman sa kaso ng Zun Yuan o ang na-raid na POGO hub na Porac, Pampanga, sinabi ni Arpon na nakapaghain na sila ng freeze order at sa nagyon ay gumugulong pa ang imbestigasyon.

Na-freeze na rin ang assets ng kumpanya kabilang ang ₱251-million sa bangko, real properties na nagkakahalaga ng halos ₱465-million, at mga sasakyan na nagkakahalaga ng ₱76-million pesos.

Ang mga pag-aaring ito ay subject for forfeiture na rin ayon sa opisyal.

Sinabi naman ng Department of Justice (DOJ) na oras na maihain ang kaso sa kanila ay maaaring humingi ng Precautionary Hold Departure Order (PHDO) sa korte laban sa mga sangkot sa kaso, ibig sabihin, hindi sila papayagang makalabas ng Pilipinas hangga’t hindi natatapos ang imbestigasyon ng DOJ. | ulat ni Nimfa Mae Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us