Target ng pamahalaan na panatilihing mababa ang antas ng kahirapan sa bansa.
Ito’y ayon sa National Economic and Development Authority (NEDA) kung matutugununan ang iba’t ibang hamon gaya ng food security at economic development.
Ayon kay NEDA Secretary Arsenio Balisacan, mula 2021 hanggang 2023, aabot sa 2.5 milyong Pilipino na ang nai-ahon sa kahirapan.
Nagresulta aniya ito sa pagbaba ng poverty incidence sa 15.5 percent mula sa 18.1 percent.
Binigyang-diin ni Balisacan na ang mga nakakamit na economic gains ay para sa kapakinabangan ng mga Pilipino. | ulat ni Jaymark Dagala