Mahigpit na binabantayan ng Pamahalaang Lungsod ng Marikina ang antas ng tubig sa Marikina River.
Ito’y bunsod ng naranasang magdamag na pag-ulan sa Metro Manila dulot ng hanging habagat.
Ayon sa Marikina City Rescue 161, nasa 14.4 meters na ang lebel ng tubig sa naturang ilog.
Dahil dito, pinapayuhan ang mga Marikeño na gawin ang ibayong pag-iingat at maghanda sa posibleng paglikas.
Ito’y kung sakaling umapaw na ang tubig sa ilog kung hindi titigil ang mga pag-ulan. | ulat ni Jaymark Dagala