Hindi pinagbigyan ng Commission on Elections (COMELEC) ang aplikasyon ng grupong ‘Batang Quiapo’ na makasali sa 2025 Midterm Elections bilang party-list.
Sa desisyon ng En Banc, hindi nakapagpakita ng matibay na ebidensya ang grupo para kumatawan sa anumang uri ng sectoral.
Ayon kay Chairperson George Erwin Garcia, nabigo ang ‘Batang Quiapo’ na patunayan kung anong grupo ang kanilang irerepresenta sa Kongreso.
Nagpaalala ang COMELEC na magiging mahigpit ang komisyon sa pagsala sa mga aplikasyon sa party-list.
Marami daw kasing mga aplikasyon na isinusunod lamang sa mga sikat na TV show ang pangalan ng Party-list pero hindi naman talaga kumakatawan sa tunay na representasyon. | ulat ni Mike Rogas