Aabot sa 98 kinatawan ng Barangay sa Zamboanga City ang dumalo sa Bagong Pilipinas Town Hall Meeting ng Anti-Red Tape Authority (ARTA) kahapon.
Ang inisyatibang ito ng ARTA ay upang higit pang isulong ang mandato at mga hakbangin nito sa ilalim ng administrasyong Pangulong Ferdinand R Marcos Jr.
Ang Zamboanga City ang ika-23 locality na nagdaos ng Nationwide Information-Driven Campaign sa buong bansa na idinisenyo para sa local leaders, kasunod ng Ubay at Ormoc City sa Bohol at Butuan City sa Caraga.
Kabilang sa mga tinalakay sa Town Hall Meeting ang Citizen’s Charter, ang mga pangunahing tampok ng Ease of Doing Business (EODB) Law, at mga inisyatiba ng mga kasosyong ahensya.
Sa kanyang mensahe,sinabi ni ARTA Secretary Ernesto Perez ang halaga ng mandato ng ahensya sa pamamagitan ng pag-streamline ng mga proseso, pagputol sa red tape, at pagyakap sa digital transformation.
Binigyang-diin din ng ARTA Chief na ang programa at mga inisyatiba na ipinakita ay ginawa at idinisenyo upang bigyang kapangyarihan ang Local Government Unit (LGU) mula sa antas ng probinsiya hanggang sa mga barangay.
Sa direktiba ni Pangulong Marcos Jr., magpapatuloy ang ARTA sa pagsasagawa ng Bagong Pilipinas Town Hall Meeting upang mas maisulong ang kadalian ng pagnenegosyo sa bansa. | ulat ni Rey Ferrer