ASF vaccine, libreng ipamamahagi sa mga tinatawag na ‘red zone’ o mga lugar na apektado ng outbreak

Facebook
Twitter
LinkedIn

Umaasa si Agriculture Secretary Francisco Tiu-Laurel na sa susunod na linggo ay makakarating na ang 10,000 doses ng bakuna kontra African swine fever (ASF).

Ayon sa kalihim, tinatayang papalo sa P450 ang kada dose ng ASF vaccine ngunit para sa red zones o yung mga lugar na apektado ng ASF, libre aniya itong ipapamahagi ng pamahalaan.

Sa kasalukuyan, mayroon aniyang walong bayan sa Batangas na isinailalim sa State of Calamity dahil sa ASF.

Ang deklarasyon ng state of calamity ay upang magamit ang quick response fund pambayad o indemnification ng mga baboy na kailangan katayin at pambili ng bakuna.

Hindi naman aniya kailangan ng nationwide state of calamity dahil localized lang ang kaso ng ASF.

Hindi rin aniya magkakaroon ng kakulangan sa suplay ng baboy.

Kumpara kasi aniya noong 2019 na sobrang istrikto, ngayon ay nagpatupad ng mga mekanismo para hindi kumalat ang ASF sa karatig lugar nang hindi nagpapatupad ng total lockdown.

Sabi ni Laurel, paglalaanan ng P350 million na pondo ang pagbili sa bakuna kontra ASF na sasapat para sa 600,000 doses kasama ang vaccine paraphernalia. | ulat ni Kathleen Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us